“ACCESS TO CREDIT IS A FUNDAMENTAL HUMAN RIGHT.”
- Professor Muhammad Yunus,
The Father of Microfinance

Alam naming ‘di biro ang buhay marino. Kumakayod kayo sa gitna ng karagatan, sa iba’t ibang bahagi ng mundo. At sa mga ilang buwan hanggang taon niyong magkakahiwalay, ‘di maiiwasang mag-alala sa inyong pamilyang maiiwan.

Kaya nandito ang Nfinit, para may masasandalan ang inyong mga minamahal sa oras ng kagipitan.

Handang tumulong ang Nfinit sa inyong mga mahal sa buhay para panatag ang inyong loob, at lalong tumibay ang magandang kinabukasan na inyong itinataguyod.

Madali. Mabilis. Maaasahan.
Serbisyong Nfinit Yan!

 

HISTORICAL HIGHLIGHTS

Kami ang Nfinit Lending Corporation. Sa loob ng halos 10 na taon namin sa industriya, naniniwala pa din kami na kayong mga Overseas Filipino Workers ang mga bayani ng henerasyong ito. Ang paniniwalang ito ang angkla ng aming kumpanya upang patuloy na magbigay ng serbisyong pinansyal sa mga seafarers na katulad niyo.

Nais namin na makatulong sa inyong pagbibigay ng magandang buhay sa inyong pamilya.

Nais namin na mamahagi ng madali, mabilis at maaasahang solusyon sa oras ng pangangailangan.

Nais namin na walang-tigil na pagbutihin ng aming serbisyo para sa inyo at inyong mga mahal sa buhay.